Pagkilala sa may akda

Maliban sa Bayang Nagpatiwakal, lahat ng kanyang nobela ay nalathala sa Liwayway. Iginawad sa kanya ang mga karangalang ‘’Patnubay ng Lahi’’ ng Maynila. ‘’Dangal ng Lahi’’ ng lungsod ng Quezon, at noong 1970 ay ipinagkaloob sa kanya ang ‘’Republic Cultural Heritage Award’’ sa Panitikan.
Mga tauhan:
LINO- dating bqngkero ng isang asyenda, na nabigyan ng pagkakataong magmay-ari ng sambanos na lupa sa tulong ni padre Amando Echevarnia
PADRE AMANDO- nagpanukala upang mawala ang tenancy system. Siya rin ang tumulong kay lino at sa anak nito.
MS. LORETO SANCHEZ- Pamangkin ni Padre Amando at punong-guro sa eskwelahan sa pinyahan. Kumupkop kay Ernesto.
ERNESTO- Anak ni Lino sa pagkabinata.
BIDONG- katiwala ni Lino sa kanyang bukid at kasintahan ni Huli.
HULI-anak ni Aling Barang at Mang Abeng at kasintahan ni Bidong.
ALBINO- katiwala ni Don Tito sa kanyang bakahan at matalik na kaibigan ni Lino.
DON TITO- isa sa mga gahamang asyendero tumututol sa pagkabuwag ng tenancy system.
DR. BENIGNO (BENEG) SITYAR- Anak ni Don Tito na tumakbo sa pagka gobernador.
DIDANG- babaeng taga-maynila na napadpad sa Mahurat at kasintahan ni Lino.
ALING HUWANA- balong babae na kumupkop kay Didang.
ALING BARANG- ina ni Huli.
ALING BASILIA- ina ni Ms. Sanchez at kapatid ni padre Amando
ATTY. MARCELO LIGON- abugado ni Padre Amando.
SALINA, MINA, AT BEBA- mga kaibigan ni Ms. Sanchez.
BUOD
Nang umagang iyon ng Mayo 21, 1955 habang nakaupo sa isang kareta sa ilalim ng punong kawayan ay pinagmamasdan ni Lino ang kanyang bukid, bukid na hinuhulugan niya taon-taon. Balo na siya at naisip na ipamana niya ito sa kanyang anak na si Ernesto. Batid niya na napakalaki ng utang na loob sa mga taong tumulong sa kanya (Padre Amando, Ms. Sanchez at Koronel Roda). Naisip niya ng anyong siya ay nakabayad tulungan si Koronel Roda na paibigin si Ms. Sanchez kahit batid niyang huli ay may pagtingin sa kanya.
Malapit sa bukid ni Lino ang bahay nina Huli, mayuming dalaga na nililigawan ni Bidong . ayaw ng mga magulang nito sa huli sa kadahilanang ito ay mahirap at sa masamang pagkakakilala rito.
Samantala, si Padre Amando ay pinangunahan ang pagbuwag sa sistema ng pakikisama sa sakahan o tenancy system. Maraming mga negosyante ang tumutol dito at isa na rito sa Don Tito.
Isang umagang patungo siya sa bahay ni Ms. Sanchez ay kanyang nasalubong ang kanyang kaibigan si Albino, na katiwala ni Don Tito sa bakahan. Sinabi ni Albino na nais ni Don Tito na gawin siyang katiwala ng kanyang asyenda. Mahurat at pinuno ng mga bodyguard ni Dr. Benigo Sityar, na anak nito. Tinutulan ito ni Lino dahil sa nalaman niyang isa si Don Tito sa mga tumututol sa mga balak ni Padre Amando.
Sa kanyang pagdadalaw-dalaw sa anak na si Ernesto ay kanyang nahalata na may pagtingin din ito kay MS. SANCHEZ. Naisip niya na limutin na lamang ang pag ibig niya rito dahil sa alangan siya rito. Humanap siya ng ibang mapag-uukulan at dito ay kanyang natamo kay Didang isang dayo sa Maruhat. Sa mismong araw ng kaarawan ni MS. Sanchez, natamo ni Lino ang kasagutan ni Didang.
Pagkatapos nito, ay dumalas ng dalaw ni Lino rito. At sa bawat pagdalaw ng una ay unti-unti naming naipagtapat ang kanyang nakaraan. Tinanggap naman ito ni Lino ngunit ang babae na rin ang nagsabing binibigyan niya ito ng hanggang Agosto 20 upang magbago ito ng pasya.
Samantala, parang nagpipiyesta ang mga tao sa pinyahan nang palagdain sila ni Padre Amando sa kasunduan sa Pamumuwisan na simula ng pagbuwag ng tenancy system. Ang bagay na ito ay lubos na nakaligalig kay Don Tito.
Sa minsang pagdalaw ni Lino kay Didang ay iniwanan niya si Bidong ng baril at sinabing maging handa. Pagbalik niya ay hindi niya ito dinatnan dahil ito pala ay nagharang ng bus ang nakuhang salapi ay ipamigay sa mga dukha ng Maruhat. Hinangad ni Lino na ito ay pagtakpan.
Sa kabilang dako, sa hangad na mapaglubag ang loob ni Don Tito at ang anak nito ay ibinigay niya si Badong bilang kapalit niya sa pagiging bodyguard. Nalalapit na noon ang Linggo ng Wika at nag hahanda ng palatuntunan si Ms. Sanchez. Pinadalhan ni Ms.Sanchez ng paanyayahan si Lino sapagkat mananalumpati ang kanyang anak na si Ernesto. Ngunit nakatanggap ito ng balita sa kanyang kaibigang si Albino na nanganganib ang buhay ni Bidong.
Hindi nakadalo si Lino sa palatuntunan. Sa halip hinanap niya si Bidong na tumakas sa asyenda ni Don Tito. At nakita niya ang pagtugis at ang pagpatay rito. Ang bangkay ni Bidong ay dinala ni Lino sa simbahan at pinagpayuhan siya ni Padre Amando na huwag maghiganti.
Pagkatapos ng libing ni Bidong ay umuwi si Lino kasama si Albino sa kanyang bukid. At Kanilang nakita ang panununog na ginawa ng di kilalang mga tao. Kanilang tinugis ang mga ito.
Samantala, dahil sa pagpunta ni Lino sa usapan nila at nagpasya si Didang na lumisan na lamang. Nang malaman ito ni Lino, ito ay kanyang sinundan ngunit hindi niya ito nakita.
Si Ms.Sanchez naman ay palubha ng palubha dahil sa hindi niya pagkita kay Lino. Dahil dito, hiniling ni Padre Amando na hanapin si Lino at bago mamatay si Ms.Sanchez ay kanyang nasilayan si Lino.
PAGSUSURI
Sunod-sunod ang paglalahad ng pangyayari sa nobelang daluyong. Madaling mahuli ng mga mambabasa ang magiging wakas ng kuwento. Nagiging mabilis ang daloy ng mga pangyayari sapagkat hindi masyadong masalimuot ang paglalahad. Ang bawat tauhan ay nakapagpaliwanag ng kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng kanilang binanggit na pahayag sa nobela. Nailarawan din ang mahahalagang tagpo o eksena sa tamang lokasyon o tagpuan.
REAKSYON
Gustong- gusto ko ang kuwento dahil ito ay napapanahon at mukhang makatotohanan ang mga kwento niya. Hindi ko makalimutan ang mga pangyayari dahil inuulit ng may- akda ang ilang tagpo nang sa gayo’y ang ilang pangyayaring maaaring malimutan o makaligtaan ay maaalala pa rin ng mga mambabasa at ito rin ang nagustuhan ko sa nobela.
Karapat-dapat itong irekomenda dahil mayroon itong magandang maituturo sa lahat ng tao. Dahil pagnabasa at naunawaan nila ito ng mabuti malalaman nila ang tunay na diwa nito. Ako ay maraming natutunan sa aking pagbabasa dahil sa aking pagsusuri.
Mapapaunlad ko ang aklat na ito sa pamamagitan ng panghihikayat sa aking mga kaibigan, kaklase, magulang, kapamilya, at sa mga kaibigan ng aking mga kapamilya at magulang na basahin ang nobelang ito. Kaya nais kong ipamahagi ito sa lahat ng sa gayo’y maintindihan nila ang nais ipahatid nito sa lipunan, Sa mga may kapangyarihan at sa mga taong naapi.
Napakabuti ng aklat na ito sa ating lahat. Dahil dito malalaman natin ang samotsaring mga problema na nagsisilbing halimbawa para sa ating lahat na gumagabay sa atin kong paano ito lulusutan. Mayaman man o mahirap, ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos. Ang pag ibig ang nag- uugnay sa dalawang taong nagmamahalan. ‘’Habang may Buhay ay may Pag- asa’’.
No comments:
Post a Comment